Sa mga naranasan ko, may iilang bagay palang hindi na dapat pagkaaksayahan pa ng panahon.
1) Kapag nagkaroon kayo ng 'di pagkakaunawaan ng iyong kaibigan, at wala siyang ibang ginawa kundi ipasa sa'yo ang lahat ng pagkakamali at ibunton sa'yo ang lahat ng sisi, it's not worth it. Gaano mo man pinahalagahan ang pakikipagkaibigan ninyo, kung hindi niya magawang umako ng mga pagkakamali niya, wala nang dahilan pa para ipilit mo ang sarili mo sa kanya. Learn to let go. Ang sinseridad ng pakikipagkaibigan mo ay hindi nararapat mapunta sa mga katulad niya.
2) Kapag may naka-argumento kang isang tao, kilala mo man o hindi, 'wag mo nang pagkaaksayahan pa ng panahon 'pag ang una niyang sambit patungkol sa'yo ay "I will not stoop down to his/her level." Ang mga ganitong klaseng tao ay hindi nagpapadaig, gaano pa man kabulok ang prinsipyo nila. Mas masahol pa ang mga ganitong tao sa mga hindi edukado.
Kung ikaw ay makikipag-argumento sa isang tao, 'wag mong isiping mas mataas ka sa iyong kaaway dahilan lamang sa hindi kayo magkasang-ayon ng opinyon. Ika nga, matuto kang lumaban ng patas.
3) 'Wag ka nang makipag-away pa sa mga Pilipino sa YouTube na walang ibang sinabi kundi mga pangungutya at kabastusan. Hindi sila tao. Alien sila na nag-aral sa ibang planeta. Dahil diyan, iba ang ugali nila at hindi na kailangan pang pagka-aksayahan ng panahon. Be kind to animals.
4) Walang libre sa mundo. Kahit ikaw na ang tumulong nang walang kapalit, bibigyan ka pa ng ikasasakit lang ng loob mo. Hindi ako makapaniwalang may mga taong, bukod sa inialok mo lang ang iyong kamay at hinila nila ang kabuuan ng braso mo, may gana pa silang balasubasin at traydurin ka ng patalikod. Kung sa lagay na 'to ay hindi pa rin nila magawang akuin ang pagkakamali nila, 'wag ka nang mag-aksaya pa ng panahon. Maghanap ka ng bagong hobby. Bukod diyan, 'wag ka nang tumulong nang walang kapalit, lalo sa mga taong hindi mo naman kilala ng lubos. Learn to charge.....to experience (and to your wallet). Hehe.
5) Hindi natin kailangan ng mga taga-payo sa buhay na labas sa mga taong katulad ng mga magulang at mga kaibigan natin. Bukod diyan, ang Diyos ang pinakadakila nating adviser. Sila ang tanging nakakakilala sa'tin ng lubos, kaya't huwag nang mag-aksaya ng panahon sa kakahanap ng iba. Ang mga tunay na taong mahihingan mo ng payo sa buhay ay ang mga taong malapit sa'yo. Hindi ka naman presidente ng bansa para mangailangan ng advisers mula sa labas.
At 'yan ang listahan ko ng mga bagay na hindi na dapat pang pagka-aksayahan ng panahon. Sa pagtahak natin sa buhay, hindi na dapat tayong mag-inarte. Lahat ng mga nakikita nating abot-kamay na ay mga bagay na dapat nating bigyan ng halaga. 'Wag na tayong tumingin pa sa malayo para maghanap ng kaibigan, tagapayo, o mga taong magmamahal sa'tin. Bukod diyan, may mga bagay namang kahit ano pa ang gawin natin, wala nang mangyayaring mabuti. Sa ganitong aspeto, hindi na rin natin kailangan mag-aksaya ng panahon. Kung hindi magbubunga, 'wag nang umasa pa; ngunit hindi na kailangan pang hugutin mula sa lupa at tanggalin ng kusa. Bukod sa masasayang lang ang lakas at panahon mo, kusa rin namang huhupa at mawawala ang mga ganyang bagay at tao.
Bilang pahuling salita, iiwan ko ang mga linyang ito mula sa isang kaibigan:
"Kung saan-saan ka pa tumitingin, hindi mo naipagtatanto na sa iyong patuloy na paglalakad, ang mga napupulot mo ay puro na lang mga bubog at bato. Nalampasan mo na pala ang tunay na ginto."
hmmm, very wise to plug arch..keep mit up..looking forward to your new posts..see you soon...
ReplyDelete-edward..
Cute, I love your blogs. :)
ReplyDeleteMay sense. Kase naman, ang iba, pasulat-sulat ng blogs puro senseless naman. Ewan. XC
Visit mo multiply ko. Sa photo ka magcomment! Poopoo mga blogs ko eh. XD
love you Cute! Miss na kita! :)
Sa muling pgkikita!