Wednesday, May 27, 2009

i miss you like crazy





i miss you team hokkaido.
im very blessed to have you.
para na tayong friends for a decade or so.
mga barkada ko na kayo!
sa pagkikita ulet natin!
aishtemasu!

Monday, May 25, 2009

Time

To realize the significance of one year, try asking a student who received a failing grade.

To realize the value of one month, try asking a mom who bore a premature baby.

To realize the value of one week, try asking the editor of a weekly newspaper.

To realize the value of one day, try asking a daily wage laborer with two kids to feed.

To realize the value of one hour, try asking two lovers waiting to meet.

To realize the value of one minute, try asking a person who has just avoided an accident.

To realize the value of one second, try asking a person who just missed the train.

To realize the value of one milisecond, try asking an athlete who has just won in olympics...

Time is precious.
Every minute counts.
Make every moment count.

JAPA -- NICE

May 18, 2009

Dear JENESYS 2nd Batch Delegates:

WE regret to inform you that due the regrettable and unforeseeable developments in relation to the A(H1N1) virus in Japan, the implementation of the Japan- East Asia Network of Exchange for Students and Youths (JENESYS) Program 10-day visit to Japan for the second batch will have to be postponed to a later schedule until the situation is under control.

The dates of the new schedule will be communicated to you as soon as it becomes available. We are hopeful that the program will be implemented within the year. However, in the event that the situation has not improved, rest assured that for next year's implemetation, all participants, Student Ambassadors, and Supervisors, are automatically included in the next year's implementation.

The National Youth Commission will update you on any developments regarding the implementation of the program. In this regard, we would like to request that you inform the National Youth Commission if there will be any changes in your contact details, i.e. mailing address, e-mail address, mobile and landline number.

All administrative matters regarding your return to your hometowns will be taken care of.

Please understand that this decision was arrived at with all difficulty and regret, with everybody's welfare and health at utmost importance.

We ask for your kind understanding. Thank you very much.

Sincerely,

National Youth Commission (NYC)

Japan Information and Culture Center(JICC)

Japan International Cooperation Center(JICE)

Friday, May 15, 2009

PRIDE

Pride is such an unusual element found in every human being.

It is a two-faced emotion. On one hand, it evokes a sense of accomplishment and self-confidence; on the other, it is a destructive barrier that every human being feels compelled to protect. The question, however, is why?

What is it with pride that makes people arrogant and overly defensive? Why do people forget the importance of forgiveness simply because of their pride? And most certainly, what the hell is ego and why does everyone seem to possess it?

In the short time that I’ve been around, I have encountered a bunch of people from different walks of life.. For some reason, a small word of caution for them caused so much havoc (not to mention disturbance to their pride) that it almost felt impossible to fix—and up to this moment, it is yet to be. In the end, I realized that the only thing that is pulling everyone apart is pride.

One person is so eager to protect her pride that she cannot admit her own fault, and instead, passes all the blame on the others. To fuel the fire, she has someone behind her to feed on her ego. It doesn’t make things any worse than that.

Somehow, the better off your stature in life is, the harder it is for you to lower your pride and admit to yourself that you are indeed human just like anybody else. Luckily, I am but a measly commoner that I was able to swallow whatever pride I have left to admit my share of the fault and say my apologies. For others, sadly, it is not as easy as that.

Let this serve as a reminder to everyone.

I attended Sunday mass two weeks ago only to be bludgeoned by the truth. Over and over have I encountered signs and messages that tell me that no argument should be left unsettled.

As it is in every Catholic celebration of the Eucharist, the priest went on with his homily. He blatantly admitted that he believes the sincerity of people attending mass has gone awry. Instead, going to church every Sunday happens only because it has become part of a routine. In fact, he went on to challenge everyone to ask themselves, “Who among you have come out of church after a Sunday mass and said, ‘Wow! That was such a spiritually uplifting experience!'?”

Luckily, the deacon behind the priest comically raised his hand. Well, you should probably expect that kind of an answer from him. For all the others, however, there was no show of hands.

After an awkward moment of truthful silence, the priest went on and talked about forgiveness. A sincere and spiritually uplifting experience, he claims, only comes from a heart that is free of hatred and grudges, thus it is very crucial to acknowledge the importance of forgiveness. After a lengthy but meaningful sermon, I was struck by the simple line the priest uttered in the end: “Learn to love AGAIN.”

If Jesus could forgive the entire human race of its sins, not to mention offer Himself for forgiveness, what makes you any special? Why can’t you forgive? Aside from that, why can’t you ask for forgiveness?

Don’t let your pride hinder your desire for peace. Any argument has an ending, as long as there is forgiveness and humility in the hearts of all that are involved.

I am saying this not because I can come clean and say that I have forgiven all those that have hurt me, but instead, let this serve as an invitation for forgiveness. Let us all learn to forgive, and at the same time, learn to ask for forgiveness.

Pride is an unnecessary shield that makes us feel superior to others. Because of it, arguments are left unsolved, and conflicts are put aside to burrow deeper into our hearts. The longer we keep our grudges, the harder it is to forgive and be forgiven.

Why do you think are we encouraged to settle our arguments the same day they are committed? Yet despite this, why do so many people always ask for “space” after a fight? All this does is prolong the hurt and allow for our pride to balloon unnecessarily. In the end, it does not encourage forgiveness.

Being able to forgive and be forgiven is not going to scar your reputation or lower your sense of well-being. All it does is remind you that you are human, capable of committing mistakes. At the same time, you should be able to acknowledge that everyone else around you is also capable of committing mistakes. Because of this, there is no excuse for forgiveness. One must indeed learn to forgive in order to be forgiven. If Jesus could forgive all of humanity, then why can't we forgive the few people who have trespassed us?

Think of it this way. Have you ever been nailed to a cross yet? Of course not. But if ever it happens to you, would you be able to forgive those who nailed you to the cross on the grounds that they do not know what they were doing? I bet not. Well, Jesus did. So what makes it hard for you to forgive other people? You certainly are no Jesus, yet you find it harder to forgive. Why so?

In all honesty, I have been hurt by what has happened in the past and am still picking up the pieces and mending my wounds. But I have exhausted all the “space” I needed to stand up and live a normal life again. Sadly, no one has ever come up to me and swallowed their pride to ask for forgiveness.. I, along with a few people (two to be exact), have already done the lion’s share of the work. All we ask now is for them to admit that, like us, they are simply human, no matter what social class they belong to. All we hope for is an end to this exhausting fight.

How I wish they could just let go of their pride and put things back to where they should be. Then again, they might be too busy protecting their pride to do that. (After all, who would want to say sorry to someone younger than you? We are so used to thinking that adults are ALWAYS right. Well, THINK AGAIN.)

ain't right?



anu daw?

Wednesday, May 13, 2009

Beer Belly of Mine


In our world today where healthy living is not just an option but also an important choice in every human being, we can never afford to be sick. Having said that, having a big tummy will not only bring about deadly diseases, it will also give a low self-esteem to the individual.

I mean, just take a look at those fitness and health magazines who features a lot of skinny and sexy male models. Have you ever seen a fat male model who made the cover of a fitness magazine? Guess not, right? Gawsh! I could only wonder who would ever buy that magazine.

I used to be super skinny before. But with excessive intake of alcohol and foods rich in fat made me earn the coveted beer belly and the man-boobs. I tried shedding it off with a variety of exercises, but nothing ever worked out. I even contemplated on taking pills that promises to burn fats in my belly, but I was too afraid that it may have worse side effects and it was also kind of expensive.

I know I should never lose hope in shedding this beer belly of mine. I still have a dream that someday I can be as fit and as healthy as those guys that are usually covers of Men's Health magazines. I believe that I can still have those rock hard six-pack abs, and with the BIO FIT TEA, I believe I can get it!

Having said that, I think I'm gonna try it. I can really feel that this tea will totally work for me. Gawsh!



~dapat bayaran ako ng BIO FIT TEA sa free endorement eh!

TRY ONE NOW!(boses pakyaw)

Tuesday, May 12, 2009

Not Worth it

Is it worth it na pagka-aksayahan ng panahon ang lahat ng bagay sa mundo? Dapat bang magkaroon tayo ng puntong maggive-up?

Sa mga naranasan ko, may iilang bagay palang hindi na dapat pagkaaksayahan pa ng panahon.

1) Kapag nagkaroon kayo ng 'di pagkakaunawaan ng iyong kaibigan, at wala siyang ibang ginawa kundi ipasa sa'yo ang lahat ng pagkakamali at ibunton sa'yo ang lahat ng sisi, it's not worth it. Gaano mo man pinahalagahan ang pakikipagkaibigan ninyo, kung hindi niya magawang umako ng mga pagkakamali niya, wala nang dahilan pa para ipilit mo ang sarili mo sa kanya. Learn to let go. Ang sinseridad ng pakikipagkaibigan mo ay hindi nararapat mapunta sa mga katulad niya.

2) Kapag may naka-argumento kang isang tao, kilala mo man o hindi, 'wag mo nang pagkaaksayahan pa ng panahon 'pag ang una niyang sambit patungkol sa'yo ay "I will not stoop down to his/her level." Ang mga ganitong klaseng tao ay hindi nagpapadaig, gaano pa man kabulok ang prinsipyo nila. Mas masahol pa ang mga ganitong tao sa mga hindi edukado.

Kung ikaw ay makikipag-argumento sa isang tao, 'wag mong isiping mas mataas ka sa iyong kaaway dahilan lamang sa hindi kayo magkasang-ayon ng opinyon. Ika nga, matuto kang lumaban ng patas.

3) 'Wag ka nang makipag-away pa sa mga Pilipino sa YouTube na walang ibang sinabi kundi mga pangungutya at kabastusan. Hindi sila tao. Alien sila na nag-aral sa ibang planeta. Dahil diyan, iba ang ugali nila at hindi na kailangan pang pagka-aksayahan ng panahon. Be kind to animals.

4) Walang libre sa mundo. Kahit ikaw na ang tumulong nang walang kapalit, bibigyan ka pa ng ikasasakit lang ng loob mo. Hindi ako makapaniwalang may mga taong, bukod sa inialok mo lang ang iyong kamay at hinila nila ang kabuuan ng braso mo, may gana pa silang balasubasin at traydurin ka ng patalikod. Kung sa lagay na 'to ay hindi pa rin nila magawang akuin ang pagkakamali nila, 'wag ka nang mag-aksaya pa ng panahon. Maghanap ka ng bagong hobby. Bukod diyan, 'wag ka nang tumulong nang walang kapalit, lalo sa mga taong hindi mo naman kilala ng lubos. Learn to charge.....to experience (and to your wallet). Hehe.

5) Hindi natin kailangan ng mga taga-payo sa buhay na labas sa mga taong katulad ng mga magulang at mga kaibigan natin. Bukod diyan, ang Diyos ang pinakadakila nating adviser. Sila ang tanging nakakakilala sa'tin ng lubos, kaya't huwag nang mag-aksaya ng panahon sa kakahanap ng iba. Ang mga tunay na taong mahihingan mo ng payo sa buhay ay ang mga taong malapit sa'yo. Hindi ka naman presidente ng bansa para mangailangan ng advisers mula sa labas.


At 'yan ang listahan ko ng mga bagay na hindi na dapat pang pagka-aksayahan ng panahon. Sa pagtahak natin sa buhay, hindi na dapat tayong mag-inarte. Lahat ng mga nakikita nating abot-kamay na ay mga bagay na dapat nating bigyan ng halaga. 'Wag na tayong tumingin pa sa malayo para maghanap ng kaibigan, tagapayo, o mga taong magmamahal sa'tin. Bukod diyan, may mga bagay namang kahit ano pa ang gawin natin, wala nang mangyayaring mabuti. Sa ganitong aspeto, hindi na rin natin kailangan mag-aksaya ng panahon. Kung hindi magbubunga, 'wag nang umasa pa; ngunit hindi na kailangan pang hugutin mula sa lupa at tanggalin ng kusa. Bukod sa masasayang lang ang lakas at panahon mo, kusa rin namang huhupa at mawawala ang mga ganyang bagay at tao.

Bilang pahuling salita, iiwan ko ang mga linyang ito mula sa isang kaibigan:
"Kung saan-saan ka pa tumitingin, hindi mo naipagtatanto na sa iyong patuloy na paglalakad, ang mga napupulot mo ay puro na lang mga bubog at bato. Nalampasan mo na pala ang tunay na ginto."

JOLOGS

Huwaw, ipapalabas na ang episode ng Oprah kung saan ififeature si Charice Pempengco! Kapamilya vs. Kapuso fever! Sayaw tayo sa saliw ng "Sayaw, Darling" ni Willie Revillame! At habang nanonood tayo ng Deal or No Deal, Wheel of Fortune, Wowowee, or The Singing Bee, 'wag nating kalimutan ang mga trademark moves na sabay na ginagawa sa pagsambit ng show titles tuwing commercial break!

Hayyy. Bakit ang jologs nating mga Pinoy?

Karamihan sa atin ay tuwang-tuwa sa mga nakikita natin sa TV at sa paligid sa puntong naiimpluwensiyahan tayo. Halika't sariwain natin ang kajologan ng Pinoy culture.

Nandiyan na ang mga makabagbag-damdaming awitin nina Jessa Zaragoza, April Boy Regino, Renz Verano, Claire dela Fuente ('wag kayo, international singer na [daw] sia ngayon), at Eva Eugenio. Nanginginig pa rin ang kalamnan ko sa hiya 'pag naiisip ko ang pagmuwestra ni April boy ng kanyang mga kamay sa pagkanta ng "'Di Ko Kayang Tanggapin." Ewan ko lang kung hindi mo alam 'yan.

Kumusta naman ang mga trademark na sayaw gaya ng Papaya, Sayaw Darling, Iyugyog Mo, Otso-otso, Siyete-Siyete, at Spaghetti? Kung ni minsan ay hindi mo pa nagawang sumayaw nang kahit iisa man lang sa mga trademark na sayaw ng Pilipinas, aba'y mag-impake ka na at maghanap ng ibang bansa dahil hindi ka ganap na Pinoy.

Biro lang.

Bakit panay senti ang mga kantang paborito natin? Napansin ko na sa tuwing nagkakaraoke ang mga Pinoy, 90% ng mga kanta na pinipili ay madrama, malungkot, o mabagal. Affected na affected tayo sa mga heartbreak songs at agad na nagiging favorite natin kahit hindi naman talaga tayo nakakarelate.

Bukod pa jan, likas ata tayong "emo". Maghalughog ka ng mga shout-outs sa Friendster kung hindi lumuwa ang mata mo sa dami ng mga linyang saksakan ng kakornihan. Nakakatuwang basahin ang mga shout-outs ng mga menor de edad na ubod ng senti. Akala mo naman nakaranas na sila ng tunay na pag-ibig.

Sa tuwing napapansin ang galing ng mga Pinoy abroad, nag-uusok ang mga tumbong natin. Hindi ba't kasama ka sa mga naexcite nang malaman mong maggeguest si Charice Pempengco sa Ellen? Manood ka nalang ng TV para makita mo kung ilang beses nang na-feature si Charice sa TV Patrol. Nariyan din ang balita ng pagsikat ng Papaya sa ibang bansa, ang pagkakasama ni Ramiele Malubay sa Top 12 ng American Idol, ang pagpansin ng Journey sa talento ni Arnel Pineda, at ang kakaputok lang na balitang pagsali ni Madonna Decena sa Britain's Got Talent. Kung gusto mong matikman ang kajologan ng mga Pilipino, bumisita ka sa YouTube at manood ng mga videos ng mga nabanggit ko. Mapapansin mo sa mga comments, karamihan ay mga Pilipino. "Proud to be Pinoy!" ang karamihang sambit nila.

Bakit?

Bakit kapag may video ng isang singer mula sa Amerika, karamihan ay hindi naman nagsasabing sila'y "Proud to be American"? Bakit idinurugtong natin ang kapasidad o talento ng isang Pinoy sa pagiging Pilipino niya? "Ang galing talaga ng mga Pinoy!" ika pa nila. Sa kabilang banda, bakit kapag may isang singer, artista, o tao tayong hindi gusto, hindi na natin nakikita ang galing niya at babanatan agad natin ng masasakit na salita? Bakit ang laking bagay sa'tin ng "star appeal" sa TV sa puntong nawawalan ng kwenta ang talento ng isang tao dahil hindi kaaya-aya ang kanyang itsura?

Hindi ba tayo naawa kay Janina San Miguel nang ipahiya natin siya sa buong mundo dahil sa makamandag niyang English? Anong problema sa sinabi niyang hindi nia akalaing masasali sia sa tuff ten? It was a tuff choice for her, y'know. Ang kagandahan pa niyan, magbasa ka ng mga comments ng mga Pinoy sa Youtube videos niya at biglang nag-iingles na lahat. Karamihan pa, wrong grammar. Hindi ba mas nakakahiya 'yung ganon?

At higit sa lahat, bakit tuwang-tuwa tayo sa network war ng ABS-CBN at GMA? Sa tuwing may bagong nagagawa ang isang istasyon, pihadong magkakalat na ang mga panatiko ng kabila. Matapos niyan, isang napakalaking giyera ang magsisimula. Ano ba ang pinakain sa'tin ng dalawang istasyon na'to para magpakajologs tayo para sa kanila?

Pati na nga sa pagkamatay ng isang mahal sa buhay, kakaiba pa rin tayo eh. Karamihan sa'tin eh pauulanan pa ng pagmura at pagsisi yung namatay bago pa natin sabihing mahal natin sila at hindi natin sila makakalimutan. Kawawang bangkay.

Bakit sa TV, pag pinapabati ang isa sa mga audience members ay parang lulunukin na nila ang microphone sa excitement at isisigaw nila ang bati nila? May mic naman diba? Hindi ba't yun ang silbi ng microphone?

Natatawa talaga ako sa kultura natin. Masayahin tayo--jologs kung jologs. Bukod sa pagiging masayahin natin, senti rin tayo, salamat sa naglipanang mga kanta nina Sarah Geronimo, Nina, Regine Velasquez, Gary Valenciano, at iba pa.

Napakaraming sakit ng lipunan natin. Hindi na ata maiiwasan ang crab mentality, ang hilig natin sa mais (pagiging corny... hehe. Diba ang gandang example?), graft and corruption (Amen sa mga pulitiko sa'tin at ang kanilang pork barrel. Bakit nga ba pork?), at ang mga iba't-iba nating hilig. Ang tigas-tigas ng ulo ng mga Pinoy sa puntong kailangang gumamit ni Bayani Fernando at ng MMDA ng basang tela para paalisin ang mga pasaway na naglalakad sa kalsada. Bukod pa diyan, napakaraming mga nagbebenta ng kung anu-ano sa tabi ng kalye pati na rin sa daan (Yosi kayo jan!). Kung susumahin mo, napakarami ring mga bagay na nakakahiya sa lipunan natin.

Ngunit sa kabila ng lahat, mapagmahal tayo lalo sa pamilya. Napakaraming Pilipino ang gugustuhing lumayo sa kanilang pamilya para makapaghanap ng trabaho sa ibang bansa. Nasisikmura nilang malayo sa kanilang mga mahal sa buhay para mabigyan ang mga ito ng magandang kinabukasan. Sa likod ng hirap ng buhay, nagagawa pa rin nating ngumiti, tumawa, at gawin lahat ng mga kajologan natin. Sa'n ka makakakita ng mga taong gumagapang na sa hirap, maiyak-iyak na sumasali sa Wowowee, pero nagagawa pa ring kumanta at sumayaw? Sa aspetong ito, saludo ako sa mga Pilipino.

Mas pipiliin kong maturingang jologs ang kultura ko basta't hindi mawawala ang mga positibong aspeto nito. Bahala nang matuwa tayo sa mga kajologan natin o magdusa sa napakaraming sakit ng ating lipunan, basta't hindi maitatangging sa likod ng tawanan at kakornihan: Basta drayber, sweet laber. Bawal umihi dito.

Bakit ang labo nung ending?

Monday, May 11, 2009

Kristala o Krisis-tala

Matingkad na ang epekto ng global recession na ang US ang sentro ng pagbagsak ng pandaigdigang ekonomiya. Gaya ng naunang pasabi ng mga ekonomista, dumating na nga ang epekto nito sa bansa sa unang bahagi ng taon. At di pa nga nagtatapos ang Enero 2009, libo-libo na ang nawawalan ng trabaho araw-araw. Na kahit tila baliw na pantas si Gloria Arroyo na nagsasabing di lamang kakayanin ng bansa ang krisis, bagkus malalampasan pa ito dahil nga sa “wastong” ekonomikong desisyong ginawa ng kanyang administrasyon sa nakaraan, nagmistulang ampaw ang mga pasinayang nagkukubli sa aktwal na nagaganap.


Ayon sa ulat ng Ecumenical Institute for Labor Education and Research, bumagsak ang employment sa industry sector ng 1.5% na nangahulugan ng pagkatanggal ng 135,000 manggagawa sa trabaho. May 600 empelyado at kontratista ang na lay-off sa Toledo Mining sa Palawan . Tatlong libong kontrakwal na kababihan ang tinanggal ng Amkor Technology noong Setyembre 2008 pa. Ang Integrated Microelectronics ay nagbawas na rin ng 3,000 kontrakwal na manggagawa. Limang libong manggagawa ang tinatayang mawawalan ng trabaho sa semiconductor industry.



Ang isang crown jewel ng administrasyon, ang Intel Corporation ay nagbawas na ng 1,800 na manggagawa. Aabot pa nga ng 300,000 trabaho ang mawawala sa Hunyo 2009, kahit pa 60,000 OCWs ang mawawalan din ng trabaho sa unang kwarto ng 2009. Alam nating nasa poder na tayo ng malawakang krisis di lamang dahil sa aktwal na kaganapang ng pagbabawas ng trabaho, pagtaas ng presyo ng bilihin, kundi dahil nagkakandakumahog na ang adminstrasyong Arroyo na pagtakpan ang mismong krisis.

Tulad ng krisis sa bigas, band-aid ang solusyon na kanyang ihaharap sa mas malaking ekonomikong krisis. Kung sa bigas ay in-appease ni Arroyo ang mahihirap sa pagpapapila sa nakararami sa mas mura at mababang kalidad na uri ng NFA rice, at sa krisis pang-ekonomiya noon ay binigyan niya ng P500 dole-out ang mahihirap na may maliit na binabayaran sa Meralco, ang bulwak ng kasalukuyang krisis ay hindi kayang tugunan ng walang-aray na band-aid.


Hindi galos ang krisis na ito. May paghahalintulad na nga na ito ay may saklaw na kasing lawak ng Great Depression na inabot ng tatlong dekada at isang pandaigdigang digmaan para maudlot nang tuluyan ang pagbagsak ng ekonomiya ng US (na naman!) at ng mundo. Pero ang tanging kakayanin ng bangkarote at namumutiktik sa korapsyon ni Arroyo ay pagtakpan ang krisis.

Gagawin na namang exceptional at state of siege ito. Natatangi dahil palalabasin na di ordinaryo ang krisis, at babalik-tanawin na naman niya ang kanyang report card na pang-valedictorian ang marka, gayong siya naman mismo ang nagbigay nitong mga marka. Under siege para mobilisahin na naman niya ang pulis at militar para sa higit pang paglalapastangan at karahasan nang sa gayon ay maibsan ang protesta—kasama ang pagkadismaya at pagkabugnot–sa kanyang pamumuno.


Ang krisis na ito ng pandaigdigang kapitalismo, kahit pa natatangi, ay hindi naman bagong bigwas. Sistematiko nang dinadaot ng kapitalismo ang paggawa at kabuhayan sa bansa. Sa 36 milyong manggagawa, 7.4% o 2.716 milyon ay walang trabaho. At napakataas din ng underemployment, nasa 10.7 milyon. Dagdag pa rito, ang minimum wage ay P382 lamang samantala ang family living wage sa Metro Manila ay nasa P904 na. Pinararami lamang ng global na kapitalismo at estado ng bansa ang bilang nang malaki nang mayoryang naghihirap.

Ang gusto kong puntuhin ay hindi exceptional at under siege ang kasalukuyang krisis. Na ang krisis na nararanasan sa global na kapitalismo at bangkaroteng estado ay nananatili noon, ngayon at sa hinaharap. Na ang krisis—ang pagbulusok sa mas malalim pang antas ng global na ekonomiya—ay ang kapamaraanan ng kapitalismo para muli nitong reimbentuhin ang sarili. Dahil sa guni-guni ng kapitalismo, kung nasa ibaba ka ng burak, wala nang ibang patutunguhan pa kundi paitaas.



Na hindi rin naman sagad-sagarang lohika dahil ang hindi isinasaad ay ang tagal nang panahon para muling umigpaw ang kapitalismo sa kasalukuyang krisis at matapos, para muling bumulusok lamang ito. Tandaan na ang huling global na krisis na yumanig sa bansa ay noong 1997, at matapos ng isang dekada na hindi pa ring nakakatindig nang matayog, muli na namang binagyo ng mas malakas pang krisis. At kahit pa nagka-amnesia ang marami sa atin, ito ang panahong linggo-linggo ay nanghihina ang piso sa dolyar, tumataas ang presyo ng bilihin gayong di lamang napako ang sweldo, marami pa ang natanggal sa trabaho.



Sa Thailand , ang naging gamit ng mga di tapos na gusaling ipinapatayo ay para talunan ng nagapatiwakal na nabangkaroteng may-ari nito. O ang mga biglang naghirap na negosyante, sinusubasta ang bagong biling Mercedes Benz sa lansangan, o natagpuan ang sarili na nagtitinda ng sandwich at pagkain sa baba ng gusaling dating pinagtratrabahuan at pinagmamay-arian bago narimita ng bangko.



Sa panahong 1997, pinainom sa bansa ang mas mapait pang pildoras para higit pang buksan ang ekonomiya, ibuyanyang ang maraming nawalan ng trabaho sa kapalaran ng subkontrakwal na paggawa, at papasukin ang dayuhang kapital na nakipagsubastahan para sa mga narimitang negosyo at ari-arian. Natitiyak natin na kukunin muli ang pagkakataong higit pang ilako ang yaman at paggawa ng bansa sa paanan ng dayuhang kapitalista.



Kung matagal nang pinaghihirap ang mamamayan, ang nangyayaring krisis ay higit pang oportunidad para lalong pagdusain ang kolektibong katawan ng manggagawa, anakpawis, at mababang gitnang uring may katiyakang higit pang mapapakapit sa napakatalas na talim ng kapitalismo. Kahit pa mas nararamdamang ipinipirito sila sa sariling mantika, mas lalong eenganyuhin ng serbisyong sektor—entertainment, medical, tourism, at finance, halibawa—at industriya ng kultura ang kalakaran ng paggasta at konsumerismo..


Maglalaan na naman ito ng promo na higit pang makapanghuhuthot sa numinipis nang wallet ng mamamayan. Di nga ba’t ang rice meal ngayon sa Jollibee ay P39 na lamang ang halaga? Alituntunin sa marketing na kapag may krisis ay higit pang maglustay ng budget para sa pagbebenta ng produkto at serbisyo. Na kahit pa marami ang natanggal sa trabaho o nabawasan ng araw sa paggawa, marami pa rin ang maeenganyong gumasta sa natitirang pera sa bulsa, kundi man, manalig sa gitnang uring fantasyang ilalako na bubuti rin ang bukas.



Parang telenobela, hindi ba? Happy ending ang inaasahan sa matagal na pagtunghay sa pagdurusa ng babaeng bida. Siya na inapi, dinaot nang lubos-lubusan sa lahat ng maiisip na pamamaraan ng pag-aalipusta at pamimisikal, sa huli ang babangon at dudurugin ang kaaway. Siya na inaapi ay biglang yayaman, gaganda, makukuha ang pagmamahal ng sing-irog, at magli-live happily ever after.



Sa panahon ng matinding krisis, marami ang maniniwala sa fantasya bilang sariling realidad, mananalig sa pang-individual na mobilidad kahit hindi naman ito darating sa tunay na buhay. Dahil nga kasi ano ba naman ang tatanawing bukas: ang higit pang pagdidilim ng dapithapon, pag-aantay sa higit pang bigwas ng bagyo ng paghihirap, o na ang pagbubukang-liwayway ay darating na, na hindi lamang magiging maaliwalas ito, kundi kumpleto pa breakfast meal a la five-star hotel at nakaunipormeng mutsatsang nag-aantay sa bawat kibot ng amo.


Anong ganda ng umaga! Laking tuwa ni Arroyo kapag naging ganito ang pananalig ng mga mamamayan sa gitna ng krisis—ang umasa sa fantasya na mabuti pa rin ang lagay kahit may krisis, na bubuti rin ito sa pagtatapos ng krisis, na ang krisis ang salarin sa mismong krisis ng pamahalaan at pagkapangulo, na ang krisis at si Arroyo ay magkaiba. Naalimpungatan na yata ang mamamayan.



Ang papel ng kilusang masa ay magpaliwanag hinggil sa kaisahan ng estado at global na kapitalismo, ng ugnayan ng krisis sa pang-uring katangian ng kapitalismo, na gagamitin ng estado ang higit pang karahasan para magmaniobra ng paglabag ng politikal at ekonomiyang karapatan sa higit na sapilitang pagkakahon sa bansa sa poder ng imperialistang globalisasyon. Samantalahin itong temporaryong manifestasyon ng kaisahan ng krisis ng estado at global na kapitalismo para makapagmulat, makapagpakilos, at makapag-organisa. Ito rin ang panahon para pagtibayin ang hanay at may katiyakang padadaanin ng estado at aparato nito sa butas ng karayom ang anumang nagbubukas sa higit pang libertarian na posisyon.


Mas mahirap magkatrabaho, manatili sa trabaho, umangat sa trabaho sa edad nitong krisis. Ito ay bilang pangitain sa yugto na muling makakahinga ang kapitalismo sa krisis, at magpapatuloy ng kahigpitan bilang normatibong kalakaran na. Kahit pa ang krisis na ito ay hindi naman likha ng anakpawis na mamamayan, sila pa rin ang magiging tagabuhat ng pinakamasaklap na hagupit nito. At kahit na magtapos ang krisis sa mga susunod na dekada, mananatiling disenfranchisado ang anakpawis.


Kung ang krisis ang tala ng kapitalismo, na tulad ng tatlong hari ay ginabayan para makatungo sa sabsaban ng dakilang manunubos, tila ito sirena na ipinanghahalina tayo tungo sa pangako ng katubusan sa ating abang lagay. Dinadala tayo sa ipinangako nitong katubusan kahit pa ang dakilang sanggol ay ginagawa lamang ipanganak bilang bahagi ng kanyang script sa kapalarang maging diyos. “So it is written, so it is done,” na paukol sa plantsadong orkestrasyon ng mga tauhan tungo sa simulain at kawaksian ng kapitalismo.


Sa krisis-tala na ito, walang superhero na Kristala o Krisis-tala na makakatubos sa kolektibong kinasasadlakan. Ito ang panahon ng politikal na pagkilos, pagpapatibay at pagpapalawak ng hanay. Tanging sa politikal na pagbabalikwas mabubura ang in-on na krisis at talang nandito na.





*** hay salamat at nakapgcontribute na ako sa dyaryo ng bayan namin!***

Thursday, May 7, 2009

QUOTE OF THE DAY

"The real measure of your wealth
is how mch you'd be worth
if you lost all your money."

SLUMDOG MILLIONAIRE FILM REVIEW


I've been itching to write a review about this movie and I finally got the time to do it. I've seen Slumdog Millionaire last week and after watching it, I was supremely awed by the movie's excellence. Slumdog is about a life of a young man named Jamal Malik who enters an Indian version of Who Wants to be a Millionaire and wins the coveted 20 million rupees. He was then suspected of cheating because they never thought that an uneducated 18-year old slumdog could win that big of an amount. But then he proved them wrong for it was his life's experience that made him knew the answers to the questions given. He's not a genius and he never cheated, but it was fate that made him a winner.


First off, let me give my insights on the film's technicality. I think that the film's cinematography was surreal. It presents the lush complexity of the life in the slums of Mumbai. The garbage, the stench, the cramped spaces looked so real but never presented in a manner that was utterly disgusting. Instead, it will make you feel pity to the people who live in that place. Praises for Danny Boyle on that one.


Second, let's discuss the actors. The actors' performance were okay. Though I must say that I have to agree on the others that Dev Patel (Jamal Malik) showed little versatility on emotions. He looked dumbfounded most of the time and it was a bit cliche but nevertheless, it didn't ruin the film.


Frieda Pinto's portrayal as the childhood friend/love interest is okay but a little bit bland. But anyway, there's always room for improvement. She's a good girl and has the potential of becoming a great actress.


Now what is very interesting in this film are the actors who played the game show host and the kids. The game show host, Anil Kapoor, is somewhat effectively annoying. You would love to hate his character in the movie. Also, the kids' acting were superb. I think they were the ones who cemented the quality of the film. They are just adorable.


Lastly, I will give my insights on the plot. I think the plot of this movie was the thing that most people and perhaps, critics, were raving and buzzing about. The plot showed the harsh realities of living in a life of poverty and how a person can survive and be successful even if he's faced with great danger and difficulties. It made me realized that the problems I face every single day that led me to hopelessness and depression were nothing compared to the protagonist's (or maybe, every single person who lived in the slums) problems. The film uplifts everyone's spirits and makes you believe that there is indeed a happily ever after.


It's a feel-good film and I highly recommend everyone to watch Slumdog Millionaire especially to those people who have lost hope or want to feel good about themselves

PEER PRESSURE

Friends are like fruits: you've got to pick them wisely, otherwise you'd end up with really bad ones.

Most of us have probably heard of "conforming," and I'm sure we've all been there. Ginagawa natin lahat ng makakaya natin para magmukha tayong kaaya-aya sa mga kaibigan natin. At the same time, we don't want to be talked about behind our backs.

Have you ever given in to peer pressure?

Sadly, we become slaves to conformity. Gusto nating makibagay sa mga kaibigan natin, o kahit sa mga tao sa paligid. Because of this, nawawala ang kahalagahan ng pagiging unique ng bawat isa.

Ilang beses ka na bang naging biktima o alipin ng peer pressure? Tingnan mo ang pananamit mo, ang mga banda at singers na pinapakinggan mo, at kahit ang mga bagay na nagawa mo na ni minsan ay hindi man lang sumagi sa isip mo na makakayanan mong gawin. Lahat ng 'yan ay para makuha ang acceptance ng mga kaibigan at kakilala mo.

Don't you think that's stupid? Why do we always have to try our best to be like everyone else? Nasaan na nga ba ang sense of individuality ng bawat isa? Why do we always have to think about what other people say or think? Why don't you stand up to your own principles?

I've seen people who lost track of their lives because they've fallen under the influences of really bad friends. Sa mga lalaki, nandiyan ang pag-inom at paninigarilyo para makibagay. Sa mga babae naman, nandiyan ang pag-aayos o pagdamit ng mga uso o mamahalin. Minsan ba ay nasabihan ka nang "hindi marunong makisama"? Bakit kaya?

Nakakatawa mang isipin pero hindi yata ito mawawala sa ugali natin bilang mga tao. Acceptance is very valuable to us. We want to feel that we are part of a group. But despite all of this, is it really necessary for us to change our ways para makibagay? Think about it. If your friends won't accept you for who you really are (and not who you've become because of their influence), then there is no use enjoying their company. Kung talagang kaibigan ang trato sa'yo ng isang tao, hindi panlabas na anyo ang dapat niyang pagbasehan kundi ang ugali mo at ang mga prinsipyo mo sa buhay. You don't have to try hard to be accepted by people. If you feel like you're having a hard time keeping up with your current friends, you probably picked the wrong group.

Instead of being the conformist, ikaw na lang ang mag-impluwensiya sa mga kaibigan mo ng mabubuting bagay. If you know that what you're doing is stupid or harmful to you, you should be wise enough not to do it in the name of peer pressure. Learn to make wise decisions and teach your friends to do good. Because like fruits, if you end up getting a really bad set of friends, you can just give them a good cleaning and help peel away their weak spots.
The World and I

I am smaller than the world yet the world is in my hands
Though I had never caused her existence
The creator made me a benefactor of its bounties

I am in the midst of nature's royal court
They serve me well with no favors in return.
I am warmed by the sun king
My dark hours are brightened by the queen moon
I breathe freely with the wind in my face

My thirst is quenched through the tears of the sky squire
I am hypnotized with the smiles of the fragrant flowers princess
My anger is vindicated by the wrath of the knight volcanoes

As always, the maid servant birds fly fast and rush to my rescue
They sing sweet songs that bring me back to my senses

Here I am in the world of real life,
what else is there to ask?







MAKE A CHANGE.
MAKE A DIFFERENCE.
LET US SAVE AND PROTECT
OUR DEAR MOTHER EARTH.

Dynamic Thinker

nauuso din sa mga social network sites ang mga personality check(tama ba?). kaya aun nakisale naman ako! sabe sa isang site isa daw akong dynamic thinker. anu nga ba ang dynamic thinker? malay mo ikaw din. hehhe.


Dynamic Thinkers are confident and independent persons. They radiate enthusiasm and energy. Dynamic Thinkers pursue their objectives actively and energetically. They love nothing better than new challenges. This type is the born leader, competent, energetic and responsible. They have a sharp eye for errors and can criticise without mercy if they see the success of a project endangered. They are completely unconcerned as to whether they alienate anyone in the process. But they are always open to objective arguments; they love discussions, they are very gifted rhetorically and they are good at convincing and enthusing others.

As they are very sociable, Dynamic Thinkers like to have a lot of friends around them, preferably those with whom they can share their interests and discuss all sorts of subjects. They are very direct but never in an underhand or scheming manner. If you can bear being spoken to frankly, you have in them a loyal and unwavering advisor as friend. Everything new and unknown stimulates Dynamic Thinkers and awakens their curiosity. However, rules, routine and traditional things arouse their resistance. If something does not go the way they want it to, they can react rather pigheadedly and obstinately. Learn more about the Dynamic Thinker at work ...

Dynamic Thinkers expect a great deal of themselves and of others. Whoever does not fit in with their scheme of things does not have it easy. They sometimes appear to be rather severe due to their frankness. Partners and family also find it difficult to satisfy Dynamic Thinkers. They know exactly what they want and compromising is inconceivable to them. Whoever has an Dynamic Thinker as partner should have a strong personality and have a great deal of independence and sufficient self-confidence in order to give this dominating type some opposition. Normally, for Dynamic Thinkers, a partnership only takes second place after their profession. But they like to have someone at their side who is a match for them intellectually, with whom they can pursue mutual objectives and have interesting discussions all night long; preferably factual discussions - sentimentalism and romance are not their thing. Learn more about the Dynamic Thinker in love ...

Adjectives which describe your type: extroverted, theoretical, logical, planning, rational, self-confident, ambitious, direct, open, severe, organised, determined, witty, independent, purposeful, dynamic, energetic, optimistic, competent, responsible, clever, intellectual, enthusiastic, demanding, structured, controlled, aggressive


Some of history’s most famous military leaders were not just coincidentally Dynamic Thinkers. Leadership is simply in your blood. You are self confident, energetic and determined to reach your goals and if it is up to you, there won’t be any shilly-shallying. You are equally important in your work efficiency and effectiveness. Strategic planning, long term considerations, creative problem solving, and absolutely exact case analyses are some of your strongest points. The quotation “I came, I saw and was victorious” (Caesar) could also be written on your flag. You comprehend even very complex situations quickly and completely, and immediately issue comprehensive instructions on how they must be dealt with.

The extroverted part of your personality provides you with excellent communication capabilities plus a certain charisma, making it easy for you to engage other people in your objectives. With all that, your visions are not limited to the existing and the contemporary, but frequently extend far into the future. For your professional satisfaction you need these objectives like you need air for breathing. You especially enjoy intellectual challenges and don’t care for victories too easily achieved.

Since you belong to the extroverted Thinker types, working in a solitary environment is not for you. In order to be happy, you need to be in the company of people, with new excitement and tasks plus a little action. Although this frequently provides for a great output the human (all too human) needs of your colleagues could easily end up being ignored. As an intuitive Thinker type, you are always focused on the objective of your task and the welfare of the company, respectively. You quickly have the number of those who are not disciplined and performance-oriented and prepared to work equally hard on the task.


There is no question: You belong in every respect to the born leaders among the personality types. Other types may doubt, be insecure about what they expect from life and their partnership - you don’t. You know what you want and take care to get it. This may have a intimidating effect on others and occasionally it will even be described as arrogant. Therefore, not everybody is going to chance approaching you as a potential partner, and you don’t find anything wrong with that. You prefer to be the conqueror rather than be conquered.

Besides, your demands of a potential partner are so high that the majority of the people around you would not qualify, anyway. You don’t like to compromise and, where love is concerned, you are not the least bit prepared to negotiate. You prefer to patiently search for someone who really fascinates you. But once you‘ve found him/her, you can fall in love head over heels and very passionately - a rare quality in a Thinker. However, even in this case, after the first rush is gone, your cool strategy subjects the relationship to a comprehensive examination, and quickly and decisively terminates it rather than put up with second best. It is not for nothing that literature likes to describe your type in military terms such as “general” or “field marshall”!

As a very self-sufficient person who has no problem being alone, and who appreciates his/her space, you really don’t care if your search for the perfect partner takes a little longer. Being so autonomous, you should look for someone who comes from a similar mold and who can deal with the fact that you are going to defend your independence like a lion even in a partnership. Not all types can handle the fact, that they may be an appreciated part of your life but never are going to be its only center. You have too many of your own interests, including your career.



~~~tama nga. swak. sakto. sapul. DYNAMIC THINKER ako.