“I really do. I hate it. It's silly to hate an abstract concept, but it's given me so much grief over the course of my life that I can't help it. My hatred of math goes to absurd levels. I hate it the way Batman hates criminals with guns. I hate it the way Lex Luthor hates Superman. Hell, I hate it the way Bin Laden hates the West. I hate, hate, hate numbers.”
I hate numbers. Sa tagalog galit ako sa bilang. Hindi ko alam kung bakit basta ang alam ko since birth, badtrip na ako exponent, exponent na yan.
Naalala ko nung elementary ako pag math na, para na akong pusang binabalisawsaw. Alumpihit at di mapalagay, paano ba naman yung titser ko lang ata ng grade one yung approachable na naging titser ko sa math. At lahat na ng mga naging teacher ko after grade one e puro mga terorista. Kaya siguro di ako natuto kasi pag nakikita ko sila habang nalilito ako sa pag-solve imbis na magtanong ako e kinakagat ko na lang ang dulo ng lapis ko kaya madalas mawalan ako ng pambura sa dulo ng lapis e. Pano yung iba nalalaglag sa kakagat ko at yung iba nalulunok ko sa takot.
Sa totoo lang dahil mahina ang foundation ko sa math sa elementary e kaya pulpol pa rin ako pagdating sa high school. Actually, mas lalo akong nagkandaloko-loko sa high school. Naranasan ko ng tawagan si St. Peter at mag novena ng palihim pag math na. Hindi ko nga lam kung nakipag -deal na ako ke satanas na sana tanggalin niya na lang ang math sa kurikulum sa kanya na ang kaluluwa ko.
Pagdating ng college e medyo di pa rin ako nilubayan ng Math at gaya ng inaasahan mas lalo na namang humirap ang lintek at hindot na numbers na yan. Me mga algebraic expression pa, malay ko ba diyan. Hindi naman magagamit yan sa pagbili ng pansit canton kay Aling Panget o kaya sa pagbili ng Buttercream kay Aling Rupunzel (TEKA, aware ba sila na un ang pangalan nila?). In other words, hindi pa rin natapos ang aking kalbaryo sa pakikibaka sa walang katapusang pagtantos at pagtaya sa mga mala-devil na numbers. mabuti na lang at sa college tatlo lang silang lahat kasi yung pinili ko kors yung wala masyadong math. Kunsabagay ang sabi ko agad sa sarili ko kahit anong kors ang kukunin ko basta walang math.
Nakatapos din naman ang ilang semestre sa awa ng Diyos at awa ng mga kaklase ko na halos kikilan na ako sa dami ng mga assignments, quizzes at exams na pinangutangang loob ko sa kanila. Pero dahil grateful ako sa kanila, nagpakikil na lang ako. Kahit hingin pa nilang kapalit ang katawan ko. Ganun ako ka desperado.
Ang pagaaral ko ngayon ay di masyadong ginagambal ng mga numbers. Nanahimik naman siya pero paminsan-minsan nagmumulto pa rin.
Minsan nalulungkot ako kasi hindi ako naging magaling sa math. Pero minsan lang yun kasi feeling ko bakit mo naman pahihirapan kumpyutin ang isang bagay na wala naman kinalaman sa pag-ebak mo sa c.r. everyday. Di ba?
Anyway, dahil MasCom ang kinuha ko at ang language ay mortal enemy ng numbers dahil sila "predicate", "subject" at "subject-verb agreement" ay handang makipag-laban at makipagpatayan kina "acute at "right angle" na yan. Kaso bumigay din later on ang mga kapatid kong sina "tayutay" at "panaguri" pagdating ko sa panahon na di nila ako dapat iwan e iniwanan din ako.
Kaya naman habang ginagawa ko ito, e sobrang bugbog ko sa finals namin sa College Algebra. Hindot talaga si Cowdewo. Pinagtulungan akong bugbugin ng magkakapatid na algebraic expression, mga fractions, at kung sino sino pa. Hindi na sila naawa.
Hay.... numbers.. numbers... bakit ka pa kasi ginawa
- sinulat ko to gabe bago ang finals na College Algebra. Grabe talaga yang professor na yan, di naawa. turing ba naman samin ay engineering students. ok lang yan, naka DOS ako jan, lowest grade ko yan! pero kahit na ganun ako sa math, matino naman ako sa statistics.